Tala
Maepail 1999 (Marikina)
Tala
by Danah
Minsan sa aking pag-iisa
Sinubukan kong tumingala
Ang tumitig sa pakislap kislap na liwanag ng mga tala
At nahumaling ako sa taglay nilang ganda
Naalala ko tuloy ang pangako ng May Likha
Na magiging kasing dami ng tao ang mga tala
Na Kanyang pag-iingatang ihulma
At bibigyan ng makakasamang kapareha
Bigla tuloy akong napaisip
Dahil sa nilaki-laki ng daigdig
Naisip Niyang gumawa ng taong sakin'y magaalay ng pag-ibig
At ako sa Kanya ay mas ilalapit
Sa aking pag-iisip nabuo sa aking utak ang isang larawan
Isang nilalang na may maayos na pangangatawan
May katalinuhan at paninindigan
Matapang at may puso kung lumaban
Ngunit kahit na ano pang katangian ang aking ilista
Nais ko parin ang sa Diyos ay malapit siya
Hindi ba't mas maganda kung sabay kaming maglilingkod sa Kanya
Sa Kanya na may gawa sa aming dalawa
Mas maganda kung tayo ay magliliwanag ng magkasama
Dahil iingatan natin ang isa't isa
Tutupad ng mga pangarap sa pag-tanda
At sa mundo ay magiiwan ng liwanag at marka
Alam kong ako ay iingatan niya
Sapagkat minsan ng akong gumala sa mundo
Hinaras, sinaktan at umuwing bugbog sarado
Gusto ko na sanang sumuko
Sa mundong ginawa akong parang isang panyo
Ipinahid sa luha ng kung sinu-sino
At nang tuluyan ng mabasa ang mga parteng dating tuyo
Itinapon nalang basta papalayo
Alam kong may iba karing kwento
Mga kwentong nabuo bago pa tayo pinagtagpo
Dahil katulad ng mga tala na magkakalayo
Minsa'y dilim din ang bumabalot sa iyong mundo
Katulad ng mga tala na nakadungaw sa langit
Na pilit nagliliwanag kahit na madilim ang paligid
Ako ay maghihintay pagka't tayo ay magtatagpo rin
At sabay na sasayaw at lalago sa langit
About this poem
Original version of Star.
Font size:
Written on August 20, 2021
Submitted by Maepail on August 20, 2021
Modified on March 05, 2023
- 1:25 min read
- 19 Views
Quick analysis:
Scheme | AB CAAD EAFE GHHD BBBB DIIX FCDH IJDH IBII DGIJ DDBD |
---|---|
Closest metre | Iambic heptameter |
Characters | 1,605 |
Words | 281 |
Stanzas | 11 |
Stanza Lengths | 2, 4, 4, 4, 4, 4, 4, 4, 4, 4, 4 |
Translation
Find a translation for this poem in other languages:
Select another language:
- - Select -
- 简体中文 (Chinese - Simplified)
- 繁體中文 (Chinese - Traditional)
- Español (Spanish)
- Esperanto (Esperanto)
- 日本語 (Japanese)
- Português (Portuguese)
- Deutsch (German)
- العربية (Arabic)
- Français (French)
- Русский (Russian)
- ಕನ್ನಡ (Kannada)
- 한국어 (Korean)
- עברית (Hebrew)
- Gaeilge (Irish)
- Українська (Ukrainian)
- اردو (Urdu)
- Magyar (Hungarian)
- मानक हिन्दी (Hindi)
- Indonesia (Indonesian)
- Italiano (Italian)
- தமிழ் (Tamil)
- Türkçe (Turkish)
- తెలుగు (Telugu)
- ภาษาไทย (Thai)
- Tiếng Việt (Vietnamese)
- Čeština (Czech)
- Polski (Polish)
- Bahasa Indonesia (Indonesian)
- Românește (Romanian)
- Nederlands (Dutch)
- Ελληνικά (Greek)
- Latinum (Latin)
- Svenska (Swedish)
- Dansk (Danish)
- Suomi (Finnish)
- فارسی (Persian)
- ייִדיש (Yiddish)
- հայերեն (Armenian)
- Norsk (Norwegian)
- English (English)
Citation
Use the citation below to add this poem to your bibliography:
Style:MLAChicagoAPA
"Tala" Poetry.com. STANDS4 LLC, 2023. Web. 4 Oct. 2023. <https://www.poetry.com/poem/107455/tala>.
Discuss the poem "Tala" with the community...
Report Comment
We're doing our best to make sure our content is useful, accurate and safe.
If by any chance you spot an inappropriate comment while navigating through our website please use this form to let us know, and we'll take care of it shortly.
Attachment
You need to be logged in to favorite.
Log In