Rove

Ang Kwerdas sa gitara






May mga kasama ako
Iba iba nga lang ng laki at nakakapanibago
Nasa kababaan ako
May kasama nga naman pero di ko ramdam
Ang tunog ay halos magandang pakinggan
Masaya naman
Pero bakit ganon, parang ako’y nag iisa
Maganda nman ang pagkakatipa sa gitara
Sumasabay sa musika
Pero bakit ganon parin, pakiramdam ko’y nag iisa ako
Hindi naman siguro sintunado
Sana naman pumihit at maging katono
Pero ayos naman talaga
Sama sama
Sa bawat pagkumpas sa amin ay tila ba kay ganda
Gandang pakinggan na nakakaaya
Pero may kulang parin
Hindi ko alam kung aking iisipin
Lagyan man ng capo kung saan ay kay ganda pa ring dinggin
Kasabay ng pagsayaw ng mga dahon at simoy ng hangin
Ang aking dalangin
Sana’y aking makita ang kulang sa aking puso’t isipan
Ng sa ganon ay aking maramdaman
Na ako’y ‘di nag iisa

© Poetry.com