Herbert Guitang

Kalahating bahagi

I started making poems when I was in high school. Creativity and Imagination develop every poem I do. The level of our maturity in poetry brings us self happiness and soar us in all kinds of being and life. I studied Music Composition in University of the Philippines. Through this, it spreads more …








KALAHATING BAHAGI
Kapaligan ko'y hindi matanaw
Mga tinig nila'y hindi madidinig
Mga salita'y utal-utal
Kung wala ka sa akin.
 Isip ay magiging baluktot
Panglanghap ko'y magiging kulang
Sa aking panlasa'y hindi lahat matitikman
Sa aking pag-ibig ay bantulot.
 Katawa'y hindi madampian
Papilay ang aking pagtakbo't at paglakad
Ako'y isa nang inutil
Patay na ang kalahating katawan
Subalit pag-asa'y nasa iyo lamang.
Tuwa't galak ang aking nararamdaman
Pag-iyak ng may dahilang pagmamahal
At tunay na Pagpapasalamat

Sa Kalahating Bahagi na inialay Mo sa akin. Magagandang kulay at tanawin akin ng napapansin
Mga magagndang tinig nila'y parang musika, Mga salita'y isa nang awit,
Gumagandang pananaw at pag-iisip,
Sintamis mo'y aking panlasa,
Tayo'y isa na sa ating Pag-ibig.
Akin nang nadadama ang ang aking pagyakap
Pagtatakbo nati'y isa ng malugod at magandang Pangarap
Sa Kamatayan ako'y naligtas
Sa kalungkutan iyong Napawi
Ng dahil sa Iyong Bahagi
Ako ngayo'y isa nang tunay na Nilalang.

by Bong Herbert Guitang


© Poetry.com