We need some more details to complete your registration




Sign in with one easy click

Wika Natin, Ang Daang Matuwid

WIKA NATIN , ANG DAANG MATUWID
ni: SOFIA SD. QUILBIO
 
 
Wikang Filipino kaytimyas bigkasin
Sa bansang Pilipinas at sa buong daigdig tanyag din
Wikang sa daang matuwid ay kasangkapan natin
Ipinahahayag ng isip at damdamin.
 
Wikang Filipinong  tanglaw sa pagbabago
Kapangyarihan mo’y buong buo ang mga simbolo
Napalulutang  angking kinang sa Mundo
Wikang ang mga titik puno ng mga berso
 
Wikang Filipinong tulay sa unawaan
Sa mga mamamayang  Pilipino  ito’y sandata sa kalayaan
Tabak ang kapara  sa pluma at papel idinaan
Mga sigalot  ng bayan mapayapang nasosolusyunan.
 
Wikang Filipinong naiiba at patuloy na pinipili
Pagkakakilanlan bawat varayti ay wagi
Saan man pumaroon esensya’y nakatali
Sa lipunang Pilipino nag-iisa at  katangi-tangi.
 
Wikang Filipinong mayaman sa tungkulin
Ikinahihigit mayaman nitong gampanin
Buhay ay maisasalarawan sa mga salitang pamumutawiin
Hatid sa balana’y  magaang na mga gawain
 
Wikang Filipino tunay na namamayagpag
Sa kinang ng araw  ay maihahalintulad
Matingkad na kulay na nagpapaliwanag
Sa daang matuwid nagsisilbing pantahak.
 
Iwika natin ang daang matuwid
Ibulalas sa twina nang walang balakid
Sa Wika mag-uugnay  landasing  anong kitid
Sa wika maglalandas  bayang may pag-ibig!
 
Ssdq/7-12-2013
 
 
 
Report Abuse


  • About my poem
  • Review this poem
Poetry.com 5 out of 5 based on 0 ratings. 0 reviews.
Veeraiyah Subbulakshmi More than 1 year ago
sorry I give you five
Alan Green 'Guppyman' More than 1 year ago
soory i can only do english
Recent Activities
Most Active Members This Week
Poetry Pin Winners - 25,000 Points
Poetry Pin Winners - 100,000 Points
Congratulations!